Monday, August 30, 2010

Hay Buhay!

Nang magsanib ang itlog at punla
Nabuo ang isang bata
Mga magulang ay natuwa
Nagmamahal ng di nagsasawa

Sa paglipas ng mga panahon
Naglalaro, natuto at lumalawak ang imahinasyon
Nagkakaisip ang gumagawa ng sariling desisyon
Sa mahihirap na bagay kayang gawan ng aksyon

Sa ating mga buhay
Madalas tayong sablay
Ngunit kayang itama sa tamang gabay
At ang pag-aalaga sa ating mga buhay

No comments:

Post a Comment