Monday, August 30, 2010

Ang Puso

Bakit nga ba kapag ang puso'y tumibok
Kahit na sino pa'y 'di makapanghihimasok?
Bakit nga ba ang puso'y tila napakapusok
Harangan man ng sibat siguradong bubulusok?
Bakit nga ba kapag ang puso ay umibig
Walang patumanggang titibok ang dibdib?
Bakit nga ba ang dagundong ay nakakatulig
Tulad sa isang talon ang lagaslas ng tubig?
Bakit nga ba sa pag-ibig ay walang pinipilì
Wala itong pagsisisi o pagbabakasakalì?
Bakit ang pag-ibig, sadyang may itinatangì
Hindi kayang ipaliwanag at tapat ang minimithì?
Ganyan ang tunay na umiibig, 'di nga ba?
May galak sa tuwina at tapat sa pagsinta!

No comments:

Post a Comment