Sino ang laging sumisigaw pagsikat ng gintong araw?
At ang taong hindi tumitigil sa pag galaw?
Sino naman ang naghehele sa gitna ng gabi?
At sa atin ay laging nasa ating tabi?
Nagbibigay ng pagmamahal na tunay
At laging pang nakaagapay kay Itay
Yan si Inay mapagmahal at ma-aruga
Nararapat lamang na bigyan ng halaga
Alam nya ang masarap
Sa araw na masaklap
Magpasalamat sa Diyos Na Siyang lumikha
Hatid sa atin si Inang dakila
Nang ako’y magkaisip ako’y naliwanagan
Kung paanong mga anak mo’y inalagaan
Sa langaw at lamok ‘di ka padadapuan
Babantayan niya paglalaro mo sa lansangan
Sa pananamit ay kanya kang iaayos
Plantsadong mga damit, malilinis na sapatos
Mamahaling medyas sa iyo’y kanyang isusuot
Nang ang mga paa mo ay hindi magkapaltos
Ang aking masasabi ay iisa lamang
Gaano man kalaki natamong katagumpayan;
Sa likod ng anak ay may isang kaakbay
Walang iba kundi ang mahal niyang Nanay!
Kaya’t sa ating munting tahanan
Si Inay bigyang halaga
Pagkat ang isang ina
Ay ilaw ngang talaga!
No comments:
Post a Comment